Huwebes, Marso 15, 2012

komunikasyon

ano ang komunikasyon?




Isa sa mga pinakadakilang tuklas ng tao ang komunikasyon. Kapag inalis ito, para nating pinahinto ang mundo. Kumikilos ang tao dahil sa bias ng komunikasyon. Dahil sapaghahatiran at pagpapalitan ng ideya, impormasyon, karanasan at mga saloobin ng tao, nagaganap ng mabuti at di-mabuti na syang pinagmumulan ng pag-unlad ng pamumuhay ng tao.
Daan ng tagumpay ng isang tao o pangkat ng mga tao, kaunlaran at katahimikan ng daigdig at ng pambansang kaligtasan, ang mabisang komunikasyon. Ang pagtuklas sa ibat ibang larangan pati na ang kalawakan ay saklaw ng komunikasyon ay higit na progresibo kaysa sa mga bansang huli sa bagay na ito.




kahalagahan ng komunikasyon?






Makapangyarihan ang komunikasyon sapagkat ito ay nakakapagbago ng ideya o kaisipan ng isang tao, kahit na ang kasaysayan ng isang bansa. Batay sa katuturang ibinigay ng Webster,
ang komunikasyon ay pagpapahayag, pagapapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipagugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.
Sa bagong American College Dictionary nina Barnhart ay nagsasaad ng ganito:
ang komunikasyon ay pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya, opinyon o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat or pagsenyas.
Sa kabuuan maliwanag na isang bagay na kailangan nating ang paggamit ng wika at wastong paggamit ng mga salita.


layunin ng komunikasyon? 

1. Magbigay daan tungo sa pag-uunawaan ng mga tao.
2. Makapagkalat ng tamang impormasyon at kapakipakinabang na kaalaman
3. Magbigay diin o halaga sa mga paksa o mga isyung dapat mabigyang-pansin, talakayin at dapat suriin ng mga mamamayan
4. Magbigay ng daan sa ibat ibang kaisipan, damdamin at saloobin ng mga


samakatwid ang komunikasyon ay napakahalaga sa bawat isa hindi lang sakin hindi lang sau kundi ang bawat indibidwal na nabubuhay dito sa mundong ibabaw  at ang komunikasyon rin ang nagpapadali ng ating pakikipagrelasyon o pakikipag-usap sa ating kapwa kaya ang komunikasyon ay napaka halaga sa bawat isa

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento