Ang wika ay nahahati sa iba't ibang katigorya sa antas na ginagamit ng Tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.
Pormal. Ito ay antas ng wika na istandardm kinikilala/ginagamit ng nakararami.
- Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.
Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan - Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.
Halimbawa: Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan
Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
- Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga Tao sa partucular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!) - Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita.
Halimbawa: Nasan, pa`no,sa'kin,kelan
Meron ka bang dala? - Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.
Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento